Beloved Brethren,
Kumusta uli? Nakalipas ang All souls day, naalala natin ang mga mahal sa buhay na hindi na natin kapiling ngayon...Pumapasok sa isip natin minsan na talagang kahit tayo man ay darating sa ganoon, lilipas din ang ating katawang lupa...Ang pinakamalaking tanong lamang ay ano, paano at saan natin ginugol o gugugulin ang ating buhay ngayon na pinahiram sa atin ni Lord...
Lahat ng nasa atin ay hiram, kapag naging tapat tayo sa hiram at pansamantala at panglupang mga bagay ay bibigyan tayo ng talagang atin at tunay na kayamanan na pangwalang hanggan ang kahalagahan...Lahat ngayon ay panglupa lamang walang madadala sa langit, ngunit kung pamamahalaan at gagamitin natin ng ayon sa kalooban ng Diyos ay nag iipon tayo ng tunay na kayamanan.(Read Matthew 6:19-21; Luke 16:10-13)...Lahat tayo ngayon ay parang mga apprentice at nasa probation period na siyang batayan kung ano ang ating magiging role, reward, at responsibility sa Kaharian ng Diyos. Sabi sa Hebreo 9:27, "it is appointed for men to die once, but after this the judgement.."...ibig sabihin: ONE LIFE, ONE DEATH & ONE JUDGEMENT.
Binigyan tayo ng buhay at hanggang ngayon ay buhay pa, ibig sabihin ay gusto pa tayong gamitin ni Lord. (read Joshua 14:6-13) Si Caleb ay nagsimulang gamitin ni Lord ng 40 years old, at siyay napakalakas at napakatapang, peak of his strength ang 40, after 45 years, sya'y 85 years old na, the same strength, the same faith, the same heart pa rin for the Lord, ready & willing to fight for God..& is very much willing to "wholly & fully" follow the Lord... sabi ng mundo kapag 30 plus years ka na ay pahina na lahat sa iyo...pero kapag nagpakatapang tayo, sumunod ng buong boo at nagtiwala ng buong buo kay Lord, 40 years old is the peak of your strength...Mga kapatid nag uumpisa pa lang tayo sa dakilang paglilingkod natin sa dakilang Diyos, may tinanggap tayong dakilang misyon....Kung ako po tatanungin I am aiming for 120 years ng buhay ng paglilingkod sa Diyos, tulad ni David, Moses, Abraham at iba pa...kaya lang kung wala na mga ka partners ko at ka team work na tulad ninyo, parang kulang na...magpakatapat at magpakatapang tayong lahat...
Nakakamangha talaga ang biyaya ng Panginoon, at ito'y mamamalagi sa atin habang tayo'y nabubuhay, 'surely goodness & mercy
& unfailing love shall follow me all the days of my life, & I will dwell in the house of the Lord forever...ini attach ko po dito ang ilang pictures nung nakaraang dedication at ordination at attach na rin ang song & lyrics ng kantang Amazing Grace, My Chains are Gone...Purihin ang Panginoon sa Kanyang kabutihan sa atin, na bagamat tayo'y tao lamang hindi perpekto, minahal niya tayo at patuloy na ginagamit...Hallelujah!!!
Hanggang dito na lang muna. . . More pictures can be viewed here.
All for the LOVE & GLORY of God,
Rev.Ferdy Y. Gonzalez
God Is Alive