Beloved Brethren,
Ano ba ang ating akmang masasabi sa mga kalamidad na nangyari sa nakaraang mga linggo? at hanggang ngayon ay may mga naka amba pa rin na mga bagyo na darating, hindi basta bagyo mga super typhoons...maraming nasalanta at naging biktima ang bagyong Ondoy, mga mahihirap at mayayaman, kahit mga christian churches ay maraming na apektuhan, yung 2 church chapters natin sa marikina na pinamumunuan nina Pstr Nelson Anastacio at Pstr Orlan Reyes ay lumubog pareho at ang mga kagamitan ay nabaha...mapapabuntunghininga tayo, pero, sabi ni Lord Huwag tayong matakot, huwag tayong manghinawa, huwag tayong mag alinlangan, huwag tayong sumuko, huwag tayong huminto sa pagsamba at paglilingkod at pananalangin sa KANYA,"in everything give thanks for this is the will of God FOR YOU in Christ Jesus."...sa ngayon ay naka recover na sila, nakapagpadala tayo agad ng tulong sa kanila...more than 10 sacks of clothing, boxes of food, voluntary financial contributions from various persons, inabot yata ng P7,000.00 at mula sa GIA board para sa mga pastors na affected sa Metro Manila ay P30,000.
Napakaliit na halaga ito kumpara sa mga nawala...nung unang bugso ng kalamidad ay nakasama pa ang inyong lingkod sa relief distribution at evangelism na rin sa OPeration blessing (700 Club arm para sa ganitong mga sitwasyon) at ang David Stockwell Evangelistic Association. Nung panahon na iyon maraming natulungan at maraming tumanggap kay Lord. Pero syempre napakalawak at napakarami ng talagang nangangailangan ng kaligtasan at tulong....pero hindi pa tapos, super thypoon Pepeng naman sa North & Central Luzon, affected naman ang GIA church chapters at mga magsasakang mga members, sa GIA Asingan, Pangasinan, GIA Bautista Pangasinan, GIA Tarlac, at GIA Narvacan Guimba...hindi talaga tayo dapat tumigil sa pananalangin at paggawa ng gawain ng Diyos...at ngayon ay may nagbabanta na namang super thypoon uli...Huwag tayong padadala sa anumang nagyayari, tuloy tayong magtiwala at gumawa ng mga nais ng Panginoon...nanawagan uli tayo sa mga kapatid para makatulong naman sa mga affected sa North & Central. Ang GIA Board ay magpapadala ng kaunting financial aid sa mga GIA churches na affected tig P3thou man lang...pinuntahan namin uli ng aking asawa ang aparador at tumingin pa ng pwedeng maipamigay, mga barong na hindi ko naman nagagamit, pwede yon dahil marami rin namang mga pastors ang na apektuhan sa North Luzon...
Sa kabila ng lahat, dapat lamang na ituloy ang ating paglilingkod, pagsamba, pagpapasalamat, pagbibigay luwalhati sa ating Panginoon.dapat mapanatili ang galak sa Panginoon, hindi naman po dahil hindi tayo nakikiramay sa mga nasalanta kundi nagtitiwala tayo na "all things work together for good to those who love God & are called according to His purpose"...
Kaugnay nito, nais ko rin pong ipabatid na itutuloy po natin sa October 24 ang Temple dedication at ang ordination as bishop ng inyong lingkod. matagal na itong naka plano at ilang beses na nga pong na re schedule...itutuloy na po natin ng may pasasalamat at pagluwalhati sa Diyos...sana'y nandito tayong lahat sa araw na ito, sa darating na sabado na po...Sa ngayon ay konti na lang at mapipinturahan na lahat, loob at labas ng temple, marami na ring mga improvements, nagpahakot po tayo ng 22 trucks na lupang panambak para hindi bumaha at para playground ng mga bata, garden at parking spaces ng mga tricycle at bisikleta at syempre ilang kotse at van at tri-bike.
Kanina ay nag invite sa isang dinner treat ang mag asawang Eric & Jane para sa mga pastors ng GIA Central church together with the pastors ng outreaches, dahil kahapon ay Pastor's Day. Sa aming food fellowship ay nagkatuwaan na magpatak-patak para bumili ng tiles para sa 2 comfort rooms ng temple, kaya ito'y ihahabol din para sa Sabado.
Nakakagalak at talagang nakaka encourage na marami ding may burden at heart sa house of God, tulad ni David, ni Solomon, ni Nehemiah, ni Ezra, at mrami pa, at kasama ka na roon. May mga laborers, mason, painters, engineers, piyon, welders, carpenters, craftsman, designers, dressmakers, cooks, servants na boluntaryong tumulong sa paggawa ang iba'y nagpa bayad pero sa maliit na halaga lamang. Ang ating working contract kay Lord ay hanggang sa muli nyang pagbalik, at dapat ay matapos natin ng tama, napapanahon at excellent ang overall project ng Panginoon na ibinigay sa atin.
Tayong lahat ay katiwala o pinagkalooban o pina hawak ng lahat ng uri at antas ng resources na gagamitin sa mga proyekto na galing sa Diyos.
Huwag manghihinawa, huwag magsasawa, huwag uurong o matatakot, tapusin natin lahat, tiyak ang gantimpala.
"Well done good & faithful servant, you've been faithful over a few things, you will now be ruler over many things, enter into the joy of your Lord."
Glory to God,
Rev Ferdy Y. Gonzalez -God Is Alive Philippines