Showing posts with label philippines. Show all posts
Showing posts with label philippines. Show all posts

Tuesday, October 20, 2009

Present Update God Is Alive Philippines

Beloved Brethren,

Ano ba ang ating akmang masasabi sa mga kalamidad na nangyari sa nakaraang mga linggo? at hanggang ngayon ay may mga naka amba pa rin na mga bagyo na darating, hindi basta bagyo mga super typhoons...maraming nasalanta at naging biktima ang bagyong Ondoy, mga mahihirap at mayayaman, kahit mga christian churches ay maraming na apektuhan, yung 2 church chapters natin sa marikina na pinamumunuan nina Pstr Nelson Anastacio at Pstr Orlan Reyes ay lumubog pareho at ang mga kagamitan ay nabaha...mapapabuntunghininga tayo, pero, sabi ni Lord Huwag tayong matakot, huwag tayong manghinawa, huwag tayong mag alinlangan, huwag tayong sumuko, huwag tayong huminto sa pagsamba at paglilingkod at pananalangin sa KANYA,"in everything give thanks for this is the will of God FOR YOU in Christ Jesus."...sa ngayon ay naka recover na sila, nakapagpadala tayo agad ng tulong sa kanila...more than 10 sacks of clothing, boxes of food, voluntary financial contributions from various persons, inabot yata ng P7,000.00 at mula sa GIA board para sa mga pastors na affected sa Metro Manila ay P30,000.

Napakaliit na halaga ito kumpara sa mga nawala...nung unang bugso ng kalamidad ay nakasama pa ang inyong lingkod sa relief distribution at evangelism na rin sa OPeration blessing (700 Club arm para sa ganitong mga sitwasyon) at ang David Stockwell Evangelistic Association. Nung panahon na iyon maraming natulungan at maraming tumanggap kay Lord. Pero syempre napakalawak at napakarami ng talagang nangangailangan ng kaligtasan at tulong....pero hindi pa tapos, super thypoon Pepeng naman sa North & Central Luzon, affected naman ang GIA church chapters at mga magsasakang mga members, sa GIA Asingan, Pangasinan, GIA Bautista Pangasinan, GIA Tarlac, at GIA Narvacan Guimba...hindi talaga tayo dapat tumigil sa pananalangin at paggawa ng gawain ng Diyos...at ngayon ay may nagbabanta na namang super thypoon uli...Huwag tayong padadala sa anumang nagyayari, tuloy tayong magtiwala at gumawa ng mga nais ng Panginoon...nanawagan uli tayo sa mga kapatid para makatulong naman sa mga affected sa North & Central. Ang GIA Board ay magpapadala ng kaunting financial aid sa mga GIA churches na affected tig P3thou man lang...pinuntahan namin uli ng aking asawa ang aparador at tumingin pa ng pwedeng maipamigay, mga barong na hindi ko naman nagagamit, pwede yon dahil marami rin namang mga pastors ang na apektuhan sa North Luzon...
Sa kabila ng lahat, dapat lamang na ituloy ang ating paglilingkod, pagsamba, pagpapasalamat, pagbibigay luwalhati sa ating Panginoon.dapat mapanatili ang galak sa Panginoon, hindi naman po dahil hindi tayo nakikiramay sa mga nasalanta kundi nagtitiwala tayo na "all things work together for good to those who love God & are called according to His purpose"...

Kaugnay nito, nais ko rin pong ipabatid na itutuloy po natin sa October 24 ang Temple dedication at ang ordination as bishop ng inyong lingkod. matagal na itong naka plano at ilang beses na nga pong na re schedule...itutuloy na po natin ng may pasasalamat at pagluwalhati sa Diyos...sana'y nandito tayong lahat sa araw na ito, sa darating na sabado na po...Sa ngayon ay konti na lang at mapipinturahan na lahat, loob at labas ng temple, marami na ring mga improvements, nagpahakot po tayo ng 22 trucks na lupang panambak para hindi bumaha at para playground ng mga bata, garden at parking spaces ng mga tricycle at bisikleta at syempre ilang kotse at van at tri-bike.

Kanina ay nag invite sa isang dinner treat ang mag asawang Eric & Jane para sa mga pastors ng GIA Central church together with the pastors ng outreaches, dahil kahapon ay Pastor's Day. Sa aming food fellowship ay nagkatuwaan na magpatak-patak para bumili ng tiles para sa 2 comfort rooms ng temple, kaya ito'y ihahabol din para sa Sabado.

Nakakagalak at talagang nakaka encourage na marami ding may burden at heart sa house of God, tulad ni David, ni Solomon, ni Nehemiah, ni Ezra, at mrami pa, at kasama ka na roon. May mga laborers, mason, painters, engineers, piyon, welders, carpenters, craftsman, designers, dressmakers, cooks, servants na boluntaryong tumulong sa paggawa ang iba'y nagpa bayad pero sa maliit na halaga lamang. Ang ating working contract kay Lord ay hanggang sa muli nyang pagbalik, at dapat ay matapos natin ng tama, napapanahon at excellent ang overall project ng Panginoon na ibinigay sa atin.

Tayong lahat ay katiwala o pinagkalooban o pina hawak ng lahat ng uri at antas ng resources na gagamitin sa mga proyekto na galing sa Diyos.
Huwag manghihinawa, huwag magsasawa, huwag uurong o matatakot, tapusin natin lahat, tiyak ang gantimpala.

"Well done good & faithful servant, you've been faithful over a few things, you will now be ruler over many things, enter into the joy of your Lord."

Glory to God,

Rev Ferdy Y. Gonzalez -God Is Alive Philippines

Thursday, September 25, 2008

Latest Overall Update on the House of God


Dear Brethren,

Napakabuti ng ating Diyos at tiyak ang Kanyang mga pangako...nakakamit ang kabuuan ng mga layunin at pangako ng Diyos ng mga punong puno ng pananampalataya at pagtitiwala at pag-ibig, kapag nag aalinlangan ay kinakapos,...naaabot at nararating ang buong tagumpay ng mga matatapang at masisipag na humakbang sa pananalig at at matibay na pagtuon nga paningin sa kaluwalhatian ni Hesus, kapag namali ng tingin at nahiwalay kay Kristo ang layunin, lulubog at malulunod....tiyak na mamumunga ng marami ang mga taong akahandandang mag sakripisyo at mamatay sa sarili,tulad ng isang maliit na binhi na kailangan mahulog sa lupa at mamatay, tsaka pa lamang talagang mamumunga ng marami para sa Kaharian ng Panginoon...kung lagi nating ibababa ang ating sarili at laging itataas Si Hesus, at ang kanyang kaluwalhatian, tiyak na ilalapit Niya ang maraming mga tao at masaganang pagpapala...habang patuloy nating ginagawa ang gawain ng Diyos, ang paghayo, pagliligtas, pagdidisipulo, pangangalaga sa mga tupa ng Panginoon, pasamba at pagluwalhati sa Kanya, susunod ang mga himala at lahat ng uri ng pagpapala.....ang lahat ng ito'y hindi malilimutan ng mga taong tunay na nagamamahal sa Panginoon, ito'y nakatanaim ng malalim sa puso ng isang tunay na anak at lingkod ng Diyos...ang buong pusong pagsunod dito ay kaligayahan sa lahat ng mga tagapagmana ng kaharian ng Diyos at mga handang instrumento na laging nagpapagamit sa Diyos...may iba pa bang tunay na kabuluhan ang buhay na ito kundi ang mahalin, sambahin at paglingkuran ang buhay na Diyos? wala na po...wala tayong dapat pagsisihan sa paglilingkod sa Kanya, walang dapat panghinayangan.


2 ang pangunahing suliranin ng mundo:


1. ang mga tao'y ligaw at nasa kasalanan, kailangan nilang maligtas, at mabayaran ang kanilang mga kasalanan, ginawa ni Hesus ang pagbabayad at pagliligtas, gawin natin ang ating bahagi dito.


2. ang mga tao'y lupaypay at nangangalat, tulad nila'y mga tupa na walang pastor, Si Hesus ang Pastor, ngunit kailangan ng maraming mga gagawa sa kawan ng Panginoon upang magturo, magpakain, gumabay at mag alaga ng maraming mga tupa...iniwan ang 99 na tupa upang hanapin ang nawawalang 1, dahil ang 99 ay ligtas at naiingatan sa kawan, ang kawan ay ang church o house of God, spiritual at natural...gawin natin lahat ng pinagagawa ng Panginoon, magligtas at mangalaga atr lahat ng mga kailngan na nakapaloob dito...ang mga magkakatulong ay tatanggap ng gantimpala dito at doon sa piling nga Panginoon.


Facts and Figures connected to the house of God:

*The Project Temple started about the early to mid 1990's

*Throughout the many years we raised gradually through you ang many brethren's help up to the present around P1.4 million pesos...all these are properly recorded & audited and reported....Praise the Lord!..we are just simple church with simple pepol as members, but God blessed us and used each of us

*around P800,000.00 for the church buildind remains unpaid & needed to be paid in installment for 2 years

*around P800,000.00 also needs to be paid for 2 years for the lots....

*a plan for solving this need is by dividing the big piece of the need to many little pieces...here it is:

*we need at least 65 persons who love the Lord to contribute at least P1,000.00 /month for 2 years (24 times)...

*we need 12 persons who will contribute at least P2,000.00 for 2 years.

*we need 30 persons who will give at least P500. for 2 years.


If these materializes, there'll be no more difficulty, pati mga unfinished parts ay makukumpleto, look at the ants not only that they save early for the rainy seasons, they as groups and teams and partners carry the big load, the big piece together...hawak kamay sa tagumpay...kyang kaya basta sama-sama...lahat ito para sa Kanyang kaluwalhatian at karangalan at kapakanan ng Kaharian.

Huwag po sanang tayong ma-offend...Magtulong tulong tayo sa prayers, every victory and success starts and ends with prayer and worship.



Pastor Ferdy Gonzalez

God Is Alive Philippines.


First Evangelistic Raffle Concert

Last August 6,2008 was the first evangelistic raffle concert with Brother Philip Salvador as guest. We also had Brother Dennis Roldan to preach in church the Sunday prior to the evangelistic concert who is now also brother in christ.


The next evangelistic raffle concert will be on December 10, 2008. We are planning to invite other artists who had great transformation experience with the Lord. Options that we have would be Dulce, Kuh Ledesma, or Mike Hanopol of Juan Dela Cruz Band . . . It would be a great experience to be with Mike Hanopol playing inspirational and spiritual music.

Thank you so much for supporting our church. We will always pray for you that God may bless you at all times . . .



God bless you always . . .

Ptr Ferdy Y. Gonzalez

God Is Alive Philippines