Sunday, March 07, 2010

Message from Reverend Ferdy Gonzalez

Date: Sunday, March 7, 2010, 8:35 PM

Beloved Brethren,
Tuloy ang pag ikot ng mundo at pag agos ng panahon, isang pasko na naman at bagong taon ang lumipas at dumating. Hindi natin maiwasan na alalahananin ang lahat ng nangyari ng 2009, mga ginawa natin at mga ginawa sa atin ng iba....mga prayers at good desires natin na tinugon ng Panginoon. Sinusukat din natin yung pagtaas ng antas ng success na ating naabot sa 2009...success na may kinalaman sa mission na pinagagawa sa atin ng ating Panginoon, at syempre maaalala natin ang mga tao at mga pangyayari na ginamit ni Lord na makatulong at naging mga kabalikat natin sa gawain ng Diyos. Sa Kaharian ng Diyos nag set up si Lord at nag pre appoint sya ng team at partnership para magtulong-tulong sa katuparan ng ibat iba Nyang mga plano at layunin. Tuloy tayo at walang dapat maging hadlang. ...John 4:34. Jesus said to them, "My food is to do the will of Him who sent Me, and to finish His work. Sinabi rin ng Panginoon "watch & pray"...be alert, discern the situations, understand the times..." maraming mga natural calamities at earthquakes, naka prophesy ito na mangyayari (Matt 24) earthquakes in various places...our role as sons of God ay lumago to become servants of God, hanggang maging soldiers of God...hindi tyo dapat matakot Jesus will come to deliver us from the wrath that will come to earth, & God did not appoint us to wrath but to salvation (1 Thess 1 & 5)...Jihn 14 says I will go to prepare a place in heaven, when everything is ready, I will come again & receive you to Myself, so that where I am you will be there also...These are the 4 major points of our faith= JESUS DIED,...JESUS LIVES,...JESUS REIGNS,...JESUS WILL COME AGAIN...habang wala pa si Lord, nandito pa tayo sa mundo to become servants & soldiers of the Lord...we all have work & mission to fully accomplish.....kapag natapos ang isa project ni Lord meron uli at uli at uli, hanggang dumating Siya...dapat tayong matuwa kung patuloy na may pinagagawa sa atin si Lord ibig sabihin tayo ay kinalulugdan nyang mga alipin, dahil kung hindi sisante na tayo sa Kaharian Niya...Sa Acts 12 & 13, ay nag report si Pablo at Silas bumalik sa headquarters pagkatapos nilang ma accomplish ang misyon o project at doon sa kanilang pagsamba at pananalangin ay nangusap uli ang Holy Spirit at nagbigay ng panibagong misyon sa kanila kayat sumunod muli at humayo...ang mga misyon ay kaugnay ng pinaka layunin ng Diyos, iligtas ang mga ligaw na kaluluwa at dalhin ang mga tupa sa kawan at tahanan ng Panginoon.sila'y alagaan at sanayin at at gawin ding mga lingkod at sundalo ng Diyos...at iyan ang patuloy nating ginagawa at pinagsisikapan gawin ng ating church dito sa Pilipinas. Kaya't nawa ay patuloy tayong magbalikatan at huwag magsawa sa bagay na ito. Gawin natin ng kumpleto, buong puso at masagana ang mga nais ng Diyos. Rev 22 Narito akoy madaling darating, at dala ko ang mga gantimpalang ipagkakaloob sa bawat isa ayon sa kanyang mga ginawa." Gawin natin ang lahat sa paraang ikaluligod at ikararangal ng Diyos, gawin ang lahat dahil mahal natin SIYA....Sa kasalukyan tuloy ang ating pag aalabga sa mga tupa, tuloy ang pangangaral at pagtuturo sa ibat ibang lugar,malayo at malapit, pag abot sa mga dukha at mga maliliit na bata na kapos sa edukasyon at materyal na bagay, tuloy ang pagtulong sa mga nakabilanggo, at pag abot sa mga kabataan, mga pagsasanay at pag re -recruit ng mga maglilingkod sa Panginoon...tuloy syempre ng mga pagsamba at mga prayer warriors sa dakilang gawain...Sa ngayon nga pala last week ng Feb at at 1st week of March ang ating 23rd church anniversary celebration, dahil nagtitipid tayo sa ngayon dahil sa mga bayarin ay minabuti namin na pagsabayin na ang family day outing at anniversary celebration simple na lamang sa isang resort sa March 20, kasama nito ang ating water baptism...we are commanded to "preach the gospel, he who believes and is baptized will be saved..." ...At sa darating na April 29 to May 9 ay hinilingan ako ng gawain natin sa God Is Alive Hong Kong na dumalaw sa kanila for reinforcement at encouragement sa kanila, maganda ang nagyayari sa kanila lumalago at umuunlad, syempre kaakibat nito ang mga suliranin kaya dadalawin ko sila, isasama ko ngayon ang aking maybahay para makapasyal naman siya at maka kain ng pansit doon.Please continue to support our work here in your prayers and everything that the Lord is leading you to do...WE WILL TOGETHER CONTINUE TO SHOUT TO THE WORLD THAT JESUS SAVES!, JESUS HEALS!, JESUS PROVIDES!, JESUS EMPOWERS!......MATTHEW 24:14 " & THIS GOSPEL OF THE KINGDOM SHALL BE PREACHED INTO ALL THE WORLD AS A WITNESS TO ALL THE NATIONS AND THEN THE END SHALL COME"...THIS IS OUR WORK AND DUTY UNTIL HE COMES.

All for the love & glory of God,
Ptr Ferdy Y. Gonzalez