GOD IS ALIVE CHRISTIAN CHURCH BAUTISTA PANGASINAN
Ang God Is Alive Bautista ay nagpasimula bilang outreach ng God Is Alive Asingan. Karamihan sa mga manggagawang estudyante ng GIA Asingan ay dito nakatira sa lugar na ito kaya’t napagpasyahan na magtayo ng gawain dito. Ito ay sa pangunguna nina Pastor Abner de Guzman, Ptr. Edwin Nino, Ptr. Dan Nino at Ptr. Robert Doronio.
Nagkaroon ng mga Home Bible Studies at mga crusades. Lumago ang gawain at nagpasimula ang Sunday Service noong January 1993. Ang gawain ay idinadaos sa tahanan nina Rodrigo Nino. Sa kadahilanang hindi na magkasya ang mga dumadalo sa gawain, naipasya ng mga namumuno na magpatayo ng isang maliit na chapel sa kasunduuang ipapahiram muna ng Nino family ang lupang katitirikan nito.
Sa loob ng mga taong nagdaan, iba’t-ibang pastor ang humawak at namuno sa gawain sa kadahilanang ang mga namumuno ay kinailangang magtrabaho sa ibang lugar dahil na rin sa kakapusang pinansiyal.
Pinamunuan ni Ptr. Robert Doronio ang gawain, ngunit noong taong 2002, binitiwan niya ang pamumuno dahil sa siya ang tumayong pastor ng gawain sa Asingan.
Noong Abril, 2002, ang mga mangagawa mula sa God Is Alive Cabanatuan na sina Ptra. Marylane Padilla at Sis. Benedicta Santiago ay isinugo upang maging manggagawa ng God Is Alive Artacho.
Sa kasalukuyan, ang gawain ay patuloy na lumalago. Ang chapel na ginagamit ay maliit na para sa mga dumadalo. Ang mga ibang kapatiran ay nasa labas na ng chapel kaya’t nagiging mahirap kapag umuulan. Nagkakaroon ng regular na Bible Studies sa lugar at mga pagbibisita at follow-up.
Sa kasalukuyan, ang gawain ay patuloy na ginagamit upang makaakay ng mga kabataan sa Diyos. Maraming mga kabataan ang nagagamit sa gawain at patuloy na nagiging aktibo.
Sa Panginoon ang papuri at pasasalamat!!!