Wednesday, June 13, 2007

GIA Pangasinan

flowers

GOD IS ALIVE CHRISTIAN CHURCH - ASINGAN PANGASINAN

Ang gawain po ng Panginoon ay nagsimula noong huling linggo ng June 1990, dito po sa aming bahay, 138 Sanchez, Asingan, Pangasinan bilang “Bible Study”. Sa tulong po ng mga kapatid sa Panginoon na sina Sis. Filma Gelido, Ptr. Raffy Salonga, nagsimula ang gawain at ang ginamit po na nag-pioneering work ay si Ptr. Abner De Guzman at ang kanyang assistant na si Ptr. Arman De Guzman.

Lumipas ang mahigit isang buwan ay nagkaroon na kami ng Sunday Worship Service sa garahe ng bahay na inuupahan ng aming pastor. Sa simula ay marami ang dumadalo ngunit dumating ang panahon na kaunti na lamang ang dumadalo bunga ng mga pagsubok sa buhay. Hanggang sa mabahaginan ng Salita ng Diyos si Madam Fe Esteban at pinahintulutan niya na ganapin ang worship service sa Activity Center ng Rizal Academy na kung saan ay siya ang principal. Ngunit dumating ang panahon na may tumutol kaya’t nalipat ang gawain sa ABC Hall sa town proper, muli po ay nalipat na naman sa Municipal Hall ng Asingan.


Muli po ay nahirapan ang mga kapatiran dahil sa palipat-lipat na gawain. Mula po kay Ptr. Abner De Guzman, nalipat ang pagpapastor kay Sis. Irene Paclibon dahil si Ptr. Abner De Guzman ay napunta na sa Micronesia. Ang sumunod pong namuno rito ay si Ptr. Sonny De Guzman, pagkatapos ay si Ptr. Clomar Atencio.


Sa kasalukuyan, ako po, si Ptr. Robert Doronio, ang namumuno ngayon sa iglesyang ito. Ang gawain po ay bumabangon at patuloy na lumalago at maraming plano para sa kaharian ng Diyos.


FLOWERS N BUTTERFLIES