Wednesday, June 13, 2007

GIA Zaragoza

FLOWERS/BUTTERFLIES


GOD IS ALIVE CHRISTIAN CHURCH SAN ISIDRO ZARAGOZA NUEVA ECIJA

Ang God Is Alive Christian Ministries ay dating Life Christian Church, ito ay pormal na in-afiliate ni Ptr. Serafin Aquino noong Enero 2000. Simula noon, ito ay ibinilang na sa isa sa mga satellite outreach ng God Is Alive Central Church Cabanatuan.

Ang bilang ng mga dumadalo noon ay binubuo na lamang ng 8-15 miyembro, ito ay pinamunuan ni Ptra. Fidela Alcantara, siya ang unang isinugong pastor ng God Is Alive Central Church, ngunit dahil sa ‘di inaasahang pangyayari, siya ay tumagal lamang ng anim (6) na buwan sa paglilingkod, kaya’t dagling isinugo si Ptra. Concepcion Belza upang ituloy ang pamumuno at pangangalaga sa iglesya. Nagkaroon ng evangelism sa pamamagitan ng “Film-Showing” sa nasabing lugar, isang pamamaraan ito upang lumago ang gawain ng Diyos. Sa biyaya ng ating Panginoon, nadagdagan ang bilang ng mga dumadalo halos di na magkasya sa loob ng kapilya kaya ang iba ay nasa labas na, umabot ito sa 50-60 katao (bata at matanda) karamihan ay mula sa mahihirap na pamilya.

Lumipas ang ilang buwan, nangailangan ng makakatulong sa gawain kaya muling nagsugo ang God Is Alive Central Church ng mga kamanggagawa, kabilang dito sina Sis. Josie Hernandez at Ptra. Marylane Padilla na nakasama ng tatlong (3) buwan sa paglilingkod. Sila ay nabigyan ng pagkakataon ng makapagbukas din gawain sa Hongkong at Pangasinan. Sumunod namang isinugong kamanggagawa ay sina Sis. Tessie De Guzman at Sis. Marie Casimiro. Muling nabuhay ang women’s ministry at ang Kid’s ministry sa pagdating nila. Matapos ang ilang buwan, umalis na din si Sis. Tessie patungong Hongkong at maging si Sis. Marie ay naisugo naman sa Hilera,Jaen. Kaya ipinalit sa kanila si Ptra. Lalaine Marquez. Sa loob ng halos dalawang (2) taon ‘di nawalan ng mga manggagawang mangangalaga at tumutulong sa iglesya.

Taong 2003, nagpasya ang Central Church na gawing panghapon ang gawain sa Zaragoza, medyo nabawasan ang dumadalo kaya muling nagkaroon ng team na magpapalakas sa gawain, kabilang dito sila Bro. Anthony Peralta,Bro. Harold Dumo, Sis. Theisa Padilla at Sis. Vhyxenth Lugo. Tuwing hapon ng linggo (3-5pm), kami ay lulan ng isang tricycle na kung minsan ay nababasa ng malakas na buhos ng ulan, gayunpaman nananatiling matatag ang team para magtulong-tulong sa gawain ng Panginoon. Anuman ang sitwasyon at panahon, tag-ulan man o tag-init ang pag-iingat at proteksyon ng Panginoon ay aming nararanasan. Pagkatapos ng gawain twing lingo, kami ay nagkakaroon ng visitation sa mga kapatid na hindi nakadalo. Regular ding ginaganap ang prayer meeting twing Huwebes sa kapilya sa ganap na ika-7 ng gabi.

Bagamat marami na ang nawala at nabawas sa mga dumadalo noon, ang Panginoon ay patuloy na kumikilos sa mga cell groups kaya napapalitan ng mga bagong miyembro ang mga dumadalo ngayon. Sa kasalukuyan, meron pong 20-35 (bata at matanda) miyembrong dumadalo sa God Is Alive Zaragoza.

Sa patuloy na biyaya at pagpapala ng ating Diyos nais pa po naming dumami pa ang bilang ng mga kapatiran dito.

Sa Panginoon po ang kaluwalhatian at papuri magpakaylanman!

lightflutter