GOD IS ALIVE CHRISTIAN MINISTRIES, INC.
CABANATUAN CITY
Prepared & Updated on September 30, 2004)
Ang God Is Alive Cabanatuan Central Church ay nasa 17 taon na ng paglilingkod sa Diyos. Ito ay nagpasimula noong February, 1987, sa pamumuno ng mga isinugong manggagawa mula sa God Is Alive Jaen, Nueva Ecija, na sina, Pastor Ferdinand Gonzalez, Pastor Rafael Salonga at Sis. Marie Casimiro.
Hindi madali ang simula sapagkat walang anumang financial support. Buti na lamang at may mga ilang kapatiran, mga estudyante, mga mahihirap na mga nagmamalasakit na nagdadala sa amin ng mga gulay, delata at kung anu-ano pa.
Nagpalipat-lipat kami ng tirahan, laging naghahanap ng kung saan ang mura ang upa, ngunit kapag magtataas na rin ng bayad ay muli na namang lilipat. Pero okey lamang lahat ito, dahil sa kaibuturan ng aming puso ay maligaya kami at nakahandang harapin ang anumang bagay alang-alang kay Lord na nagmahal at nagligtas at nagbigay ng kahulugan at layunin sa aming mga buhay.
Ang mga unang gawain ay house to house evangelism, jail ministry, radio program at Bible studies at mga youth & student ministry. Ang mga gawain na ito ay sa ibat-ibang dako ng Cabanatuan at gayundin sa ibat-ibang bayan ng Nueva Ecija, kung saan may mga nag-aanyaya na ipangaral din sa kanilang dako ang Mabuting Balita ng Diyos. .Ang unang water baptism ay isinagawa noong June 6, 1987 sa Valdefuente River, Cabanatuan City.
Dahil sa wala pang sariling church building, ang gawain ay nagpalipat-lipat sa ibat-ibang lugar. Ang unang lugar na pinagdausan ng gawain ay sa DWNE Hall, at lumipat sa sumusunod na mga lugar: NEHS gym, Girl Scout canteen, Red Cross hall, Amazing Grace chapel, 3rd floor Pascual building, Girl Scout hall at sa kasalukuyan ay nasa Department of Agriculture Hall.
Mula sa maliit na bilang ng mga dumadalo, ang gawain ay lumago. Maraming mga kabataang estudyante ang nahasa sa paglilingkod at nakatulong sa mga gawain ng ministeryo. Ngunit dahil sa mga pangangailangang pinansyal, ang mga mga manggagawa ay napilitang magtrabaho, marami sa kanila ay nagtungo sa Maynila at sa ibang bansa, kung saan may pagkakakitaan. Nababawasan ang bilang ng mga workers na gumagawa sa ministeryo. Ngunit paglipas lang ng ilang panahon ay muling napapalitan ang mga nawawala ng mga bagong mga tupa at manggagawa. Itoy isang tuloy-tuloy na cycle. Gayunpaman, sinanay naming mabuti at ihinanda ang mga manggawa upang kung saan man sila mapuntang lugar para magtrabaho ay magsimula rin sila ng gawain ng Panginoon. At ganoon nga ang nangyari, nag-lead ng bible- study group ang iba, nag church-planting ang iba, ang iba naman ay nag-involve sa ibang Christian church sa lugar na kanilang napuntahan at doon napakinabangan at namunga ng mabuti para sa Panginoon.
Mula sa mga maliliit na Home Bible Studies, ang gawain ay nagpatuloy at nakapasok sa ibat-ibang sangay tulad ng mga paaralan, mga sangay ng gobyerno tulad ng DILG, mga kulungan, mga barangay at city government officials. Gayundin sa PNP, CIDG, BFP, TMG at marami pang iba. Nagkaroon din ng mga Evangelistic Crusades sa mga barangay sa ibat ibang dako ng Nueva Ecija.
Sa kasalukuyan, ang mga ministeryong ginagalawan ng God Is Alive Cabanatuan ay ang mga sumusunod: Bible Studies, Satellite/ Outreaches, Leadership Trainings, Moral Recovery Programs at marami pang iba na ang layunin ay makapagdala ng mga kaluluwa sa Panginoon.
Sa ngayon, ang God Is Alive Christian Ministries Cabanatuan City ay namunga ng mga Satellite Outreaches, ito ay ang mga sumusunod:
1. Hilera, Jaen, Nueva Ecija
2. Zaragoza, Nueva Ecija
3. Mataas na Kahoy, Nueva Ecija
4. Guimba, Nueva Ecija
5. Kowloon, Hongkong
6. New Territory, Hongkong
7. South Hampton, U.K.
8. Lagangilang, Abra
9. at iba pa
Ipinagpapatuloy ni Ptr. Ferdy Gonzalez ang Cabanatuan Church na ang tinatahak na direksyon ay pagpapatayo ng church building o ang tinatawag na Project Temple of Gods Glory, pagpapasimula ng Christian School, at Discipleship Growth & Training School . Purihin ang buhay na Diyos. Tiyak ang pamumunga at pagtatagumpay