Wednesday, June 13, 2007

GIA Jaen

glitter

GOD IS ALIVE CHRISTIAN CHURCH HILERA JAEN NUEVA ECIJA

December, 1994 ng magpasimula ang gawain dito sa Mitla, Hilera Jaen Nueva Ecija sa pangunguna ni Ptr. Albert Pallanan nagkaroon ng mga Bible Study, House to house Evangelism at Evangelistic Crusade. Sa biyaya ng Panginoon marami ang naligtas kaya ang lugar na pinagdarausan na gawain tuwing Linggo ay hindi naging sapat kaya may mga kapatid na nag offer ng kanilang lugar upang magamit at mapatayuan ng isang chapel na gawa sa anim na haligi at may bubong na yero subalit walang dingding. Nagpatuloy ang gawain hanggang sa lumago ito after five years nalipat ng ibang lugar si Ptr. Albert Pallanan at itoy hinawakan ni Bro. Benny Cullado sa tulong ng mga kapatid ang nasabing chapel ay naipagawa, nagpatuloy ang pagpapala ng Panginoon at ang gawain ay patuloy na lumago maraming mga kabataan ang dumadalo. Makalipas ang dalawang taon kinailangang magtrabaho ni Bro. Benny kaya sa kasalukuyan ako si Sis. Marie B. Casimiro ang humahawak nito kasama ko sila Bro. Juanito Siobal at ang kanyang asawa na siyang nagtuturo ng mga bata.

Sa kasalukuyan kami po ay nagkakaroon ng Bible study sa bahay ng mga kapatid, at may plano na magkaroon pa ng mga Cell group at Leadership Training sa biyaya na ating Panginoon.


Pink Petunias